Pahiwatig na maaasahan ang mga kaibigan sa oras ng pangangailangan
- BULGAR
- Feb 21, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 21, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala nj David ng Olongapo.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyong lahat. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan.
Napanaginipan ko na ang ginaw dito sa amin, tapos nagkasipon ako sa sobrang lamig.
Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?
Naghihintay,
David
Sa iyo, David,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na sobrang lamig sa inyo ay marami kang mga kaibigan na handang dumamay sa iyo sa sandali ng kagipitan. Hindi ka magdadalawang-salita kapag lumapit ka sa kanila at humingi ng tulong.
Samantala, ang ibig ipahiwatig ng nagkasipon ka sa sobrang lamig ay makakatanggap ka ng liham na naglalaman ng hindi inaasahang balita. Magdudulot ito sa iyo ng pag-aalala at malilito ka sa kung ano ang dapat mong gawin.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna



Comments