Pahiwatig na lumipat ng trabaho dahil pababagsakin ng kaaway
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 27, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Richard ng Roxas City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na pumunta ako sa bilyaran sa aming lugar para manood ng tournament sa billiard. Naglakad ako nang nakapaa, walang suot na tsinelas o sapatos.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Richard
Sa iyo, Richard,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa bilyaran sa inyong lugar upang manood ng tournament ay may paparating na gulo sa buhay mo dahil sa kawalan mo ng pag-iingat sa iyong mga pagpapasya. Dahil d’yan, mag-isip ka muna nang mabuti bago ka magpasya upang hindi ka madamay sa gulo.
Samantala, ang naglakad ka nang nakapaa ay nagpapahiwatig na dapat kang lumipat ng pinapasukang kumpanya. May lihim kang kaaway sa nasabing lugar na kunwari ay kaibigan mo, ‘yun pala ay may lihim na inggit sa iyo. Gayundin, hindi siya titigil hangga’t hindi ka niya napapabagsak. Makabubuting humanap ka ng ibang mapapasukan kaysa hindi ka magkaroon ng katahimikan dahil sa banta ng lihim mong kaaway.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments