top of page
Kiko Pangilinan - IG

Pahiwatig na lilipat ng bahay at sasaya ang pamilya

  • BULGAR
  • Oct 19, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 19, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rosalie ng Taguig City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na katakot-takot na kamalasan ang sinapit ko, tapos pumunta ako sa monastery sa aming lugar upang magdasal nang taimtim sa Diyos upang isalba ako sa sunod-sunod na kamalasang sinapit ko.


Gayundin, iyak ako nang iyak habang nagdadasal. Nagsisi rin ako sa mga kasalanang nagawa ko noon at taos-pusong humingi ng tawad sa Diyos.


Ano ang gustong ipahiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rosalie



Sa iyo, Rosalie,


Ang panaginip mo na katakot-takot na kamalasan ang sinapit mo ay kabaligtaran ang ibig ipahiwatig. Ito ay nangangahulugan ng pagbabago ng tirahan tungo sa kaunlaran ang daranasin mo sa susunod na mga araw. Lilipat ka na ng tirahan sa isang lugar na maganda at tahimik ang kapaligiran at pagpapalain kayo ru’n ng pamilya mo, kung saan mamumuhay kayo nang masagana at payapa.


Samantala, ang pumunta ka sa monastery para magdasal nang taimtim at magsisi sa iyong mga kasalanan ay nangangahulugan ng kapayapaan ng isipan, kalayaan at maligayang pamumuhay. Ang kahulugan ng iyak ka nang iyak habang nagdadasal ay malulutas na ang mga problema mo. Matatapos na ang mga kalungkutan mo sa buhay at liligaya ka na, gayundin, magdiriwang ka kasama ng iyong mga kaibigan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page