top of page

Pahiwatig na liligawan at pakakasalan ang crush

  • BULGAR
  • Nov 27, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 27, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jessy ng Mindoro.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakatanggap ako ng souvenir book mula sa dati kong teacher. Binasa ko agad ito at nasiyahan ako sa mga larawan na nakita ko, tapos inilagay ko na ito sa book shelf.


Ano ang kahulugan ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jessy


Sa iyo, Jessy,


Ang ibig sabihin na nakatanggap ka ng souvenir book mula sa dati mong teacher ay magkaka-crush ka sa isang magandang babae. Liligawan mo siya agad at mauuwi ito sa kasalan dahil magugustuhan ka rin ng naturang babae.


Samantala, ang agad mong binasa ang souvenir book at nasiyahan ka sa mga larawan na nakita mo ay nagpapahiwatig na sisikat at kikilalanin ka sa lipunan na iyong ginagalawan. Ang inilagay mo ang libro sa book shelf pagkatapos mong basahin ay nangangahulugan na magiging masaya ang future mo. Magtatagumpay at pagpapalain ka.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page