Pahiwatig na labs ng bf at yayayain nang magpakasal
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 10, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rose ng Cavite.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na dumating ‘yung boyfriend ko, tapos may dala siyang gitara. Kinantahan niya ako sa saliw ng gitara niya at maya-maya ay nagyaya siya sa garden namin. Tumugtog siya ulit ng gitara, nakinig at nasiyahan naman ako, tapos inilabas niya ‘yung dala niyang ham, sabay kaming kumain ng ham kahit wala namang katambal na tinapay.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rose
Sa iyo, Rose,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na dumating ang boyfriend mo at kinantahan ka niya sa saliw ng gitara ay totoo ang pag-ibig niya sa iyo. Mahal ka niya at balak na niyang yayain kang magpakasal. Ang garden naman ay nagpapahiwatig na magiging abala ka sa maraming bagay na pakikinabangan mo balang-araw. Puwede mong pagkakitaan ang mga ito upang madagdagan ang iyong income.
Samantala, ang sabay kayong kumain ng dala niyang ham kahit wala namang tinapay na katambal ay nagpapahiwatig na paparating na ang suwerte sa buhay mo. Giginhawa ka at pagpapalain sa lahat ng iyong mga gawain. Gayundin, matatapos na ang mga kapighatian mo sa buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments