Pahiwatig na labs at pakakasalan ng bf
- BULGAR
- Jan 9, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 9, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Thelma ng Masbate.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na madami akong natanggap na regalo noong New Year at puro mamahaling alahas. Isa-isa kong binilang ang mga ito, limang silver at dalawang gold.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Thelma
Sa iyo, Thelma,
Maganda ang ipinahihiwatig ng mga alahas kung ang isang tao ay nanaginip nito. Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang marami kang natanggap na alahas noong New Year ay mahal na mahal ka ng karelasyon mo sa kasalukuyan at handa siyang pakasalan ka sa lalong madaling panahon. Magkakaanak din kayo ng mga gifted child, kung saan sila ay magiging matalino at may magandang kalusugan.
Samantala, ang ibig sabihin ng isa-isa mong binilang ang mga alahas ay binibilang mo ang magagandang bagay na maaaring mapasaiyo sa susunod na mga araw.
Ang lima ay nangangahulugan ng paglalakbay na may kahalong negosyo o travel and business. Ang dalawa naman ay nagpapahiwatig na pabago-bago ang isip mo sa pagpapasya, kumbaga, fickle-minded ka. Makabubuting sundin mo ang unang desisyon na pumasok sa isip mo at huwag mo nang baguhin pa. Guided ka ng Holy Spirit sa unang desisyon mo at kung babaguhin mo ito, hindi na magiging maganda ang kalalabasan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments