Pahiwatig na kailangang magsikap nang todo para magtagumpay sa buhay
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 5, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rossana ng Tarlac.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyo.
Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na hirap na hirap na ako sa mga problemang nakaatang sa aking balikat. Dumagdag pa ‘yung kaibigan ko na lumapit sa akin at humihingi ng tulong dahil sa dinaranas niyang kagipitan sa buhay.
Tinulungan ko naman siya kahit ako ay nasa gipit na kalagayan din.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rossana
Sa iyo, Rossana,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na hirap na hirap ka na sa buhay dahil sa dami ng problemang nakaatang sa iyong balikat ay kailangang magtrabaho ka nang todo upang makamit mo ang tagumpay.
Samantala, ang lumapit sa iyo ang kaibigan mo upang humingi ng tulong dahil sa dinaranas niyang kagipitan sa buhay, tinulungan mo kahit gipit ka rin ay nagpapahiwatig na magkakatotoo ang panaginip mo. May lalapit sa iyong kaibigan upang humingi ng tulong. Gayunman, hindi mo siya matitiis at tutulungan mo siya sa abot ng iyong makakaya kahit ikaw mismo ay nasa kagipitan din.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments