top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pahiwatig na ikakasal sa mayaman

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | February 08, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lolit ng Parañaque.


Dear Maestra,


Halos araw-araw akong nananaginip, pero hindi ko alam kung ano ang ipinahihiwatig nito, kaya naisip kong magpaanalisa sa inyo. Gusto kong malaman kung ang mga panaginip ko ay may kaugnayan sa nalalapit kong pagpapakasal. Napanaginipan ko na may suot akong kuwintas na napakamahal. Hindi ako mayaman, kaya hindi ko kayang bumili ng mamahaling kuwintas kaya nagtataka ako sa aking panaginip.


Napanaginipan ko rin na nakakita ako ng pugad ng ibon, may laman itong mga itlog pero basag na ang mga ito. Nanaginip din ako na may tumubong kabuti sa garden namin, tapos kinuha ko ito at tuwang-tuwa ako dahil may pansahog na ako sa aking lulutuin. Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Lolit


Sa iyo, Lolit,


Ang ibig sabihin ng kuwintas na sabi mo ay napakamahal ng halaga, ito ay nagpapahiwatig na agarang pagpapakasal sa isang taong mayaman at may mataas na katungkulan sa kanyang pinapasukan. Magdudulot ito sa iyo ng walang kapantay na kaligayahan sa araw ng inyong kasal.


Halos ganundin ang ibig sabihin ng pugad na may lamang itlog sa panaginip mo.


Kaligayahan sa nalalapit mong kasal, kaya lang, ang sabi mo ay basag na ang mga itlog sa pugad, ito ay nagpapahiwatig na ang kaligayahang madarama mo matapos n’yong magpakasal ay hindi permanente. May posibilidad na danasin mo rin ang kabiguan habang tumatagal ang pagsasama n’yo.


Samantala, ang kabuti ay nangangahulugan ng kayamanan at kasaganaan sa buhay, ibig sabihin, yayaman ka na. Daranasin mo ang buhay mayaman, ngunit hindi ito panghabambuhay.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page