Pahiwatig na hindi na maghihirap kahit kailan
- BULGAR
- Jan 5, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | January 05, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Flor ng Bulacan.
Dear Maestra,
Bago ang lahat, binabati ko kayo ng masaganang Bagong Taon.
Napanaginipan ko na natanggap ako sa in-a-apply-an kong trabaho, tapos nakita ko ru’n ang dati kong kaibigan dahil siya ang secretary ng amo at ang bait ng boss namin na intsik at mabait din ang misis niya. Pati ang mga kasamahan ko sa trabaho ay mababait din. Tapos nagkaroon ng welcome party at nagsayaw kaming lahat habang sabay-sabay na umaawit.
Napansin ko ‘yung isang kasamahan naming lalaki na tinitingnan ako nang may halong paghanga na para bang may gusto sa akin. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghinhintay,
Flor
Sa iyo, Flor,
Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na natanggap ka sa trabaho dahil ito ay nangangahulugan ng kasaganaan. Kumbaga, yayaman ka at hindi na daranas ng kahirapan kailanman.
Samantala, ‘yung nagsasayaw kayo habang umaawit at napansin mo ang iyong kasamahan na tinitingnan ka na parang may gusto sa iyo ay nagpapahiwatig ng masayang pagsasama habambuhay sa piling ng iyong magiging kabiyak. Ibig sabihin, ikakasal ka na at magiging maligaya kayo ng partner mo. Marami rin kayong magiging kaibigan na magpapasaya sa buhay n’yo at maaasahan sa lahat ng sandali, lalo na sa oras ng kagipitan. Kaligayahan sa tahanan at tagumpay sa negosyo rin ang ipanahihiwatig nito.
Hanggang dito na lang, nawa’y nasiyahan ka sa pag-aanalisa ko sa panaginip mo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia De Luna




Comments