Pahiwatig na hindi magiging madali ang buhay sa abroad
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 29, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Donato ng Tarlac.
Dear Maestra,
Natanggap ako sa ina-apply-an kong trabaho sa abroad, tapos pumunta ako sa airport dahil araw na ng flight ko. Ang tagal ng eroplanong sasakyan ko kaya binantayan ko muna ang mga baggage ko. Tapos maya-maya, dumating na ‘yung eroplano at dali-dali akong sumakay.
Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?
Naghihintay,
Donato
Sa iyo, Donato,
Ang eroplano ay nangangahulugan na ihanda mo ang iyong sarili sa magiging trabaho mo sa abroad dahil hindi ganu’n kadali ang daranasin mo roon. Gayundin, dobleng pag-iingat ang dapat mong gawin.
Gayunman, ang mga bagahe na kailangan mong bantayan bago dumating ang eroplano ay nagpapahiwatig na may mga sitwasyon kang mararanasan sa pagbiyahe mo kung saan maiinis ka nang husto at maaaring hindi ka makapagpigil kung biglang mag-iinit ang ulo mo.
Ito rin ay nagpapahiwatig na magkakaproblema ka sa pera, kaya iwasan mo ang labis na paggasta at sinupin mo ang baon mong pera. Alalahanin mo na hindi ka agad susuweldo sa papasukan mong trabaho sa abroad kaya maging matalino ka sa paghawak ng pera.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia De Luna




Comments