top of page

Pahiwatig na ginagabayan ng guardian angel at magkakaroon ng bonggang kasal

  • BULGAR
  • Jan 22, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 22, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Maritess ng Lucban, Quezon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakarating na ako sa langit, tapos maraming anghel na nag-aawitan sa saliw ng organ. ‘Yung tumutugtog sa organ ay isang lalaking may balbas, tapos nakita ko rin ang Diyos Ama sa langit at si Jesus Christ na nakaupo sa elevated na silya at parang higante sila dahil hindi sila kasing laki ng mga tao.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Maritess



Sa iyo, Maritess,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakarating ka na sa langit ay kaligayahan at kapayapaan ng isipan, kung saan matatapos na ang mga problema mo, gayundin, liligaya at pagpapalain ka na sa buhay.


Samantala, ang ibig sabihin ng maraming anghel na nag-aawitan ay maliligtas ka sa anumang panganib at kapahamakan sa iyong kapaligiran. Babantayan at poprotektahan ka ng guardian angel mo. Habang ang lalaki na may balbas na tumutugtog ng organ ay nagpapahiwatig ng kaligayahan, kasaganaan at magarbong kasalan. Nangangahulugan ito na malapit ka nang magpakasal sa lalaki na iyong napupusuan, kung saan susuwertehin at pagpapalain kayo.


Ang Diyos Ama sa Langit at si Jesus Christ na hindi kasing laki ng mga tao at nakaupo sa elevated na silya ay nagpapahiwatig ng kapayapaan ng isipan, magandang kalusugan at financial success.


Ito rin ay nangangahulugan ng malalaking suwerte at nakakagulat na mga pagpapala na malapit nang mapasaiyo sa darating na mga araw.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page