top of page
Search
  • BULGAR

Pahiwatig na ‘di tatamaan ng sakit dahil sa maruming paligid

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 11, 2021


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Cory ng Bulacan.


Dear Maestra,


Napanaginipan kong namasyal kami sa zoo at nakatuwaan namin ‘yung elepante sa loob ng kanyang kulungan. Tuwang-tuwa kami sa mga tricks na ipinapakita ng elepante at halos ayaw na naming umalis sa panonood dahil libang na libang kami. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Cory


Sa iyo, Cory,


Ang panaginip mo ay may kaugnayan sa iyong kalusugan. Nagpapahiwatig ito na kahit ang buong paligid ay lubhang mapanganib dahil sa COVID-19 pandemic, ikaw ay hindi maaapektuhan sa dahilang maingat ka sa iyong katawan at kumakain ng wastong pagkain na kailangang-kailangan ng katawan natin.


Kaya huwag kang mag-alala dahil hinding-hindi ka kakapitan ng malulubhang sakit o kahit anong sakit na dulot ng maruming kapaligiran. Ipagpatuloy mo ang nakaugaliang pag-iingat sa katawan at pagkain ng masusustansiyang pagkain. Gayundin, palagi mong isaisip ang kasabihang “Health is wealth,” ibig sabihin, ang magandang kalusugan ay isa na ring kayamanan.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page