top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pahiwatig na ‘di magtatagumpay ang lihim na kaaway

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 23, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 23, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerico ng Romblon.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyo. Sumainyo nawa ang pagpapala ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.


Napanaginipan ko na isa akong sundalo, tapos pinadala ako sa kagubatan upang tiktikan ang mga kaaway. Nakakita ako ng mga suso sa damuhan at malaking ahas. Tapos, kumuha ako ng pamalo at hinampas ko ang ahas at napatay ko ito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Jerico


Sa iyo, Jerico,


Ang ibig sabihin ng isa kang sundalo ay makakaranas ka ng sunud-sunod na pagbabago sa buhay.


Ang mga suso na nakita mo sa damuhan ay nagpapahiwatig na may paparating na hindi magandang pangyayari sa buhay mo dahil sa kagagawan ng iyong mga kaibigan.


Samantala, ang ahas naman ay nangangahulugan ng lihim na kaaway. Ang kumuha ka ng pamalo, hinampas ang ahas hanggang mapatay ito ay nagpapahiwatig na hindi magtatagumpay ang kaaway mo. Matatalo at magagapi mo siya, gaanuman katindi ang binabalak niyang gawin sa iyo.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page