Pahiwatig na ‘di hapi sa buhay may asawa
- BULGAR
- Dec 21, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 21, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rosy ng Tagaytay.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na natapakan ko ‘yung pusa sa kusina namin at kinalmot ako nang kinalmot. Sa inis ko ay kumuha ako ng kutsilyo para saksakin ‘yung pusa, pero nakatakbo ito nang mabilis, kaya hindi ko na naabutan.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rosy
Sa iyo, Rosy,
Ang panaginip mo na kinalmot ka ng pusa dahil natapakan mo ay nagpapahiwatig na ang asawa mo ay makitid ang pag-iisip. Hindi muna siya nag-iisip nang malalim bago magdesisyon, kumbaga, mababaw lang ang pang-unawa niya at palaging siya ang tama at ayaw na napagsasabihan. Dahil d’yan, hindi ka maligaya sa iyong buhay may asawa.
Samantala, ang ibig sabihin ng kumuha ka ng kutsilyo, tapos hinabol mo ang pusa ngunit hindi mo naabutan ay may lihim kang kaaway na naiinggit sa iyo. Sinisiraan ka niya nang talikuran, pero kapag kaharap ka ay mabait naman. Ito rin ay nangangahulugan ng kabiguan sa pag-ibig at pagkalugi sa negosyo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments