Pahiwatig na daranas ng marami pang pagsubok
- BULGAR
- Nov 14, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 14, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lolit ng Batangas.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na patong-patong ang mga problema ko sa buhay na para bang pasan ko ang daigdig. Ang daming sagabal sa mga lakad ko araw-araw, tapos halos hindi ko na alam ang gagawin. Pinanghihinaan na ako ng loob at halos mawalan na ng pag-asa. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Lolit
Sa iyo, Lolit,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo ay daraan ka pa sa maraming pagsubok sa buhay.
Kakailanganin mo pang magtiis at kumayod nang husto upang makamit mo ang iyong mga pangarap. Pero huwag kang mag-alala, makakamit mo rin ang tagumpay, basta’t huwag kang susuko sa mga sagabal na daranasin mo sa pakikipagsapalaran sa buhay.
Gayundin, may gantimpalang naghihintay sa iyo, yayaman at pagpapalain ka sa takdang panahon. Sadyang ganyan ang buhay sa mundo, bayang kahapis-hapis, ‘ika nga ng iba.
Patay lang ang walang problema, kaya kung gusto mo pang ma-enjoy ang buhay, tiis-tiis lang. Kung may hirap, may ginhawa at kung may tiyaga, may nilaga.
Hanggang dito na lang. Sumaiyo nawa ang mga pagpapala ng Dakilang Lumikha.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments