top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pahiwatig na ayusin ang problema sa partner para ‘di mauwi sa hiwalayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 11, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | March 11, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Govinda ng Pampanga.


Dear Maestra,


Bakit pabalik-balik ang panaginip ko? Pumunta ako sa bahay, tapos pag-uwi ko, wala na ‘yung tsinelas ko. Minsan naman, naglalakad ako at bakit palagi akong naliligaw?


Naghihintay,

Govinda


Sa iyo, Govinda,


Ang ibig sabihin ng tsinelas sa panaginip mo ay kapartner sa buhay. Sa madaling salita, dyowa, kabiyak ng puso mo o asawa mo mismo.


Kung may problema kayo ngayon, ayusin mo agad upang hindi paulit-ulit o pabalik-balik ang hindi n’yo pagkakasundo na madalas ay nauuwi sa pag-aaway sa dahilang naliligaw ka ng pagpapasya. Kadalasan, mali o hindi tama ang pasya mo sa mga problemang dumarating sa inyong mag-asawa. Magnilay-nilay kang mabuti. Dahan-dahan kang humakbang bago gawin ang iyong binabalak upang maiwasan ang pagkaligaw ng landas gaya ng ipinahihiwatig ng panaginip mo.


‘Yun namang sinasabi mo na pag-uwi mo ay wala na ang iyong tsinelas, ibig sabihin, may posibilidad na tuluyan nang mawala ang kapartner mo sa buhay. Kaya ‘wag ka nang mag-aksaya ng panahon. Makipagkasundo ka na sa asawa mo, gayundin, matuto kang magpatawad at magpakababa, sapagkat nand’yan ang susi ng magandang pagsasama at pagbuhos ng grasya sa inyong pamilya.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page