top of page
Search
  • BULGAR

Pahiwatig at babala ng kidlat

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 27, 2021


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joven ng Laguna.


Dear Maestra,


Isa akong caretaker ng isang resort dito sa Laguna. Nag-e-enjoy ako sa trabaho dahil nami-meet ko rito ang iba’t ibang uri ng tao from all walks of life, kasama na r’yan ang mga foreigner na galing pa sa malalayong bansa. Napanaginipan ko na nakatayo ako sa tabi ng binabantayan kong lighthouse nang biglang kumidlat nang kumidlat. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Joven



Sa iyo, Joven,


Ang ibig sabihin ng lighthouse sa panaginip mo ay may matatanggap kang promotion sa trabaho mo sa kasalukuyan. Ito rin ay nagpapahiwatig na bukod sa promotion, marami pang malalaking biyaya ang inilalaan sa iyo ang tadhana sa susunod na mga araw. Ang mga kidlat naman na tinutukoy mo sa iyong panaginip, kung ito ay kidlat lang at walang kasamang kulog at ulan, ‘yan ay nagpapahiwatig ng tagumpay sa iyong mga hinahangad sa kasalukuyan at maligayang pag-aasawa sa babaeng tinatangi at minamahal mo.


Subalit kung nagkataon na may kasama itong kulog at ulan, hindi maganda ang ipinahihiwatig nito dahil ito ay nangangahulugan ng kabiguan at kawalan ng pag-asa sa buhay. Mabuti na lang, mga kidlat lang ang nakita mo sa iyong panaginip at walang kulog o ulan.


Hanggang dito na lang. Mag-ingat ka palagi. Sumaiyo nawa ang mga pagpapala at biyaya ng Dakilang Lumikha gaya ng gustong ipahiwatig ng iyong panaginip.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page