top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Pahirapan na pamimigay ng ayuda, sablay

  • BULGAR
  • Aug 1, 2022
  • 1 min read

@Editorial | August 1, 2022


Kasunod ng naganap na malakas na lindol, tuluy-tuloy naman ang pamimigay ng ayuda ng gobyerno sa mga naapektuhang mamamayan.


Marami nang pagkain at iba pang supply ang naipamahagi at may mga pansamantalang trabaho na ring naibigay sa mga nawalan ng kayod dahil sa pagyanig.


Kaugnay nito, agad napansin ng bagong administrasyon na tila mabagal ang pagtawid ng ayuda dahil sa dami ng mga hinihinging dokumento.


Kaya inihirit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na huwag nang paramihin pa ang mga dokumento na kailangang isumite ng mga biktima ng kalamidad at maging ang mahabang application form para makakuha ng financial assistance mula sa pamahalaan.


Nakatakda umanong mamahagi ang kagawaran ng P10K cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program para sa mga biktima ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Northern Luzon nitong Miyerkules, bagay na inaasahang mas mabilis sanang maipamamahagi.


Kaugnay nito, isang batas sana ang maisulong upang alisin na ang maraming dokumentong rekisito sa mga biktima ng kalamidad upang maging kwalipikado na makatanggap ng ayuda.


Nahihirapan na ang mga tinamaan ng kalamidad, huwag na sanang dagdagan pa ang kanilang pasan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page