Pahahabain pa ng Miami Heat ang kuwento vs. LA Lakers
- BULGAR

- Oct 10, 2020
- 1 min read
ni ATD - @Sports | October 10, 2020

Sisikapin ng Miami Heat na makuha ang panalo sa Game 5 ngayong araw upang mapahaba ang kanilang hininga sa 2019-20 NBA finals na ginaganap sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.
Naghahabol sa serye ang heat, lubog sa 1-3 kailangan itodo ng Heat ang kanilang lakas upang matalo ang Los Angeles Lakers na pinangungunahan ni basketball superstar LeBron James.
Kahit nakalubog sa hukay ang isang paa ng Heat sa kanilang best-of-seven series, kompiyansa pa rin sila head coach Erik Spoelstra at Jimmy Butler na makukuha ang inaasam na korona. "We're competing for a title, and it's the first team to four wins," wika ni Spoelstra.
Dapat maulit ang malupit na laro ni Butler sa Game 3 kung saan tinalo nila ang Lakers para manatiling buhay sa asam na titulo. "I've got to rebound the basketball better. I have to get my guys involved in a numerous amount of ways, and then I've got to really lock down on the defensive end," ani Butler.
Makakatuwang ni Butler sina Bam Adebayo, Andre Iguodala, rookie Tyler Herro at Duncan Robinson.








Comments