top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagtanggap nina P-BBM at Romualdez sa mga nag-ober da bakod na PDP-Laban members, kabastusan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 16, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 16, 2023


MGA KAPARTIDONG NAIPANALO NI EX-P-DUTERTE SA ELEKSYON, INIWAN SIYA SA ERE PORKE WALA NA SIYA SA PODER -- Ang mga kongresistang miyembro ng PDP-Laban ni ex-P-Duterte noong siya pa ang presidente ay 120, pero ngayong wala na siya sa power, 15 PDP-Laban congressmen na lang ang natira, dahil ang mga kapartidong ito ng dating presidente ay nagsipaglundagan na sa mga partido ng magpinsang Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Speaker Martin Romualdez na Lakas-CMD.


Hindi man aminin ay tiyak masakit sa kalooban ni ex-P-Duterte ang nangyaring ito sa kanyang partido, kasi noong nasa power pa siya ay todo-kayod siya sa pangangampanya kaya naipanalo niya ang mga kandidato ng PDP-Laban noong 2019 midterm elections at nitong nakalipas na 2022 national election, pagkatapos iyong mga naipanalo niyang mga kapartido sa PDP-Laban, ngayong wala na siya sa poder ay iniwan siya, tsk!


◘◘◘


KAWALANG RESPETO KAY EX-P-DUTERTE ANG PAGTANGGAP NINA P-BBM AT SPEAKER ROMUALDEZ SA KANILANG PARTIDO SA MGA PDP-LABAN MEMBERS NA NANG-IWAN SA EX-PRESIDENT -- Ang Uniteam ay binubuo ng PDP-Laban ni ex-P-Duterte, PFP ni P-BBM, Lakas-CMD ni Speaker Romualdez, Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni Senate Pres. Migz Zubiri at iba pang partido na kaalyado ng Duterte at Marcos.


Dahil Uniteam nga sila, sana hindi tinanggap nina P-BBM at Speaker Romualdez sa kanilang partido ang mga pulitikong kumalas sa PDP-Laban kasi sa totoo lang, kawalang respeto sa dating presidente nang tanggapin nila (P-BBM at Speaker Romualdez) sa PFP at Lakas-CMD ang mga taga-PDP-Laban na nang-iwan kay ex-P-Duterte, period!


◘◘◘


IPOKRITO ANG ILANG SENADOR KASI NOON KASABWAT SILA SA PAGTANGGAL KAY DE LIMA SA SENATE COMMITTEE ON JUSTICE, NGAYON, MASAYA RAW SILA SA PAGLAYA NG DATING SENADORA -- Ilan sa mga senador na nagkutsabahan noon para mapatalsik si former Sen. Leila de Lima bilang chairman ng Senate Committee on Justice ay nagpalabas ng statement na natutuwa raw sila sa pagkakalaya ng dating senadora.


Ganyan ka-ipokrito ang ilang senador ng ‘Pinas, boom!


◘◘◘


NANIRA SA PANGALAN NI SEN. BONG REVILLA DAPAT MAHUBARAN NG MASKARA -- Itinanggi ni Sen. Bong Revilla na ang convoy niya na dumaan sa busway sa EDSA, ang sinita ng Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcers dahil hindi naman daw siya dumaan sa EDSA bus lane noong araw na sinasabing nahuli sila, kaya’t ang panawagan ng senador sa MMDA ay imbestigahan at hubaran ng maskara kung sino ang gumamit ng kanyang pangalan para siraan siya sa publiko.


Kaya’t kung sinuman ang gumamit sa pangalan ni Sen. Bong Revilla para makadaan sa EDSA busway ay dapat lumantad na at mag-sorry sa senador at sa publiko dahil ang ginawa ng taong iyon ay malinaw na paninira kay Sen. Revilla, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page