Pagtalaga ni P-BBM kay Laurel sa DA, bayad-utang
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | November 5, 2023
MERALCO NAGTAAS NG SINGIL SA KURYENTE NOONG SEPTEMBER, NAGTAAS DIN NITONG OCTOBER AT NGAYONG NOVEMBER MAGTATAAS NA NAMAN NG SINGIL -- Nagpahiwatig ang Meralco na posibleng magtaas na naman daw sila ng singil sa konsumo sa kuryente ngayong buwan ng November 2023.
Pambihira naman, nagtaas na nga ng singil ang Meralco sa magkasunod na buwan ng September at October, tapos nagpaplano na naman ngayong November na magtaas uli ng singil sa konsumo sa kuryente ng mamamayan.
Kapag inaprub ng ERC o Energy Regulatory Commission ang bagong dagdag-singil ng Meralco sa konsumo ng kuryente, aba’y lalabas ‘yan na may polisiya ang Marcos admin na kasabwat ang Meralco na buwan-buwan ay bigyan dusa ang taumbayan, boom!
◘◘◘
PAGTALAGA NI P-BBM KAY LAUREL BILANG DA SEC. PAGTANAW NG UTANG NA LOOB DAHIL CAMPAIGN DONOR PALA NIYA ITO -- Ito palang si business tycoon na si Francisco Tiu Laurel na itinalaga ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na Dept. of Agriculture (DA) secretary ay isa sa donor niya na nagbigay sa kanya ng P30 million dagdag-panggasta sa nakalipas na 2022 presidential election.
Noong una ay aprub sa mamamayan ang pagbitaw ni P-BBM bilang DA sec. at aprub na rin sa publiko na si Laurel na ang bagong DA sec., ang problem nabulgar nga na isa pala ito sa gumasta sa kanya sa eleksyon, at dahil d’yan kung kaya’t pinuputakti na naman ng batikos ang Presidente kasi lumalabas na ang pagtalaga niya kay Laurel bilang DA sec. ay pagtanaw dito ng utang na loob, tsk!
◘◘◘
APRUB SA MGA CONG. ANG PAGIGING DA SEC. NI LAUREL KASI GALANTE PALA ITO SA PAGBIBIGAY NG CAMPAIGN CONTRIBUTION SA MGA TRAPO -- Aprub sa mga kongresista ang pagtalaga ni P-BBM kay Laurel bilang bagong DA sec.
Siyempre naman, aprub sa mga cong. ang pagiging DA ni Laurel kasi nga, galante pala ito sa pagbibigay ng campaign contribution sa mga trapo (traditional politicians), boom!





Comments