top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagtaas ng infected sa COVID-19 sa South Korea, iniuugnay sa Protestant church

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2020
  • 2 min read

ni Lolet Abania | August 17, 2020



Libu-libong miyembro ng isang Protestant church, na naiugnay sa dumaming kaso ng coronavirus sa Seoul, ang isasailalim sa quarantine, ayon sa South Korean authorities.


Kasabay nito, ang akusasyon sa matapang at conservative leader ng grupo, kung saan naiulat na nagpositibo sa test sa covid-19 at ng obstruction.


Gayunman, ang pagpapatupad ng naturang bansa na "trace, test and treat" na isang global model upang maiwasan ang pagkalat ng virus, ay nabalewala lamang dahil sa pakikipaglaban ngayon sa maraming tinamaan ng COVID-19 na naiugnay sa nasabing religious group.


Samantala, ipinagbawal sa kabisera at kalapit na lalawigan na Gyeonggi, tahanan ng halos kalahati ng populasyon ng bayan, ang lahat ng religious gatherings.


Hinimok rin ang mga residente na iwasan ang pagta-travel matapos ang biglang pagdami ng mga bagong kaso ng coronavirus at nagdulot pa ng takot sa karamihan sa posibleng second wave ng covid-19.


Ngayong araw, nakapagtala ang South Korea ng 197 bagong tinamaan ng infections, na may kabuuang 15,515, ang ikaapat na beses sa magkakasunod na araw na may triple-digit increases.


Ayon sa report, ang kasalukuyang pinakamataas na bugso ng nagkakaroon ng covid-19 ay nakasentro sa Sarang Jeil Church sa Seoul, sa pangunguna ni Jun Kwang-hun, isang kontrobersiyal na conservative pastor at pinamumunuan umano nito ang mga protesta laban kay President Moon Jae-in.


Gayundin, may kabuuang 315 kaso ang iniuugnay sa simbahan na nakumpirma kahapon, ayon sa mga opisyal. Nakapagtala din ito ng pinakamalaking clusters ng mga infected ng virus, na tinatayang 3,400 miyembro ng kongregasyon ang isasailalim sa quarantine.


Umabot sa one-in-six ng miyembro ng samahan ang nagpositibo sa test, "requiring rapid testing and isolation," ayon sa vice health minister na si Kim Gang-lip. Subalit, ang listahan ng mga miyembro na ibinigay ng simbahan ay "inaccurate".


Aniya pa, ang pagsasagawa ng testing at isolation procedure ay naging "very difficult" o napakahirap.


Sa naging sitwasyon, nagdulot ito ng isang "early stage of a large-scale outbreak," sabi ni Jung Eun-kyeong, director ng Korea Centers for Disease Control and Prevention.


"If the outbreak is not controlled right now, the number of confirmed cases will increase exponentially, leading to collapse of the medical system and enormous economic damage," ayon kay Jung.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page