top of page
Search
  • BULGAR

Pagsusuot ng itim at dilaw na damit, daan upang gumanda ang kapalaran

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Marso 25, 2024



Dear Maestro,


Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil napansin ko na lagi akong minamalas sa buhay. Ilang beses na akong nag-try mag-abroad, ngunit lagi itong palpak. Ano ba ang dapat kong gawin upang mawala na ang mga kamalasan sa aking katawan?  Sana maturo n’yo rin sa akin ang mga paraan upang ako’y suwertehin. 


Maestro, okey na ba ang aking lagda o may dapat pa kong baguhin para gumanda ang aking kapalaran lalo na ngayong 2024? March 2, 1991 ang birthday ko.



Umaasa,

Irish ng Kaparangan, Orani, Bataan

 

Dear Irish,


Madali lang suwertehin ang isang Pisces na tulad mo na may birth date na 2, at may destiny number na 7 (naging 7 dahil 3+2+1991=1996/ 19+96=115/ 11+5=16/ 1+6=7). Kung saan ang birth date mong 2 at destiny number na 7 ay itinuturing na weak number.


Para lumakas ang iyong pagkatao at lumisan na ang mga kamalasan sa iyong buhay, iminumungkahi na magsuot ka ng kulay itim na siyang ginagamit ng mga weak number sa “do or die” na labanan.


Kapag nagsuot ka ng damit na kulay itim, may mala-dramatikong pangyayaring darating sa buhay mo, dahil ang itim ay siya ring kulay ng dark forces na siya ring kulay ng “anino” na nakakapagtaka kapag nagsindi ka ng kandila, hindi ba’t apoy o liwanag lang ang iyong gusto, pero kusang nagkakaroon ng anino o shadow ang nasabing kandila. Sa lahat ng liwanag, laging may anino. Nangyaring ganu’n, dahil ang itim o kadiliman ay co-equal din na tinatawag nilang good. Ngunit, sa mas malalim ng pilosopiya, pareho lang naman ang dilim at liwanag na may iisang kapangyarihan.


Bueno, mabalik tayo sa kulay na itim na siyang grand final color para sa mga weak number at bigo sa buhay na tulad mo na nagtataglay ng number 2 at 7. Iyan muna ang gawin mo para makita mo ngayong 2024 hanggang 2025 na may malaking pagbabago ang magaganap sa iyong career at sa mismong buhay mo.


Simula ngayon, kapag lagi kang nagsuot ng itim, ikaw ay tatawaging “woman in black” na siya ngang swak na kulay para sa mga may weak number na tulad mo.


Samantala, kung sawa ka na sa nasabing kulay, puwede mo namang ipalit ang kulay na golden yellow o kahit anong kulay na dilaw. Silang dalawa dapat ang lagi mong suotin upang suwertehin ka.


Hinggil naman sa iyong lagda, okey na ang ikalawa mong lagda, habaan mo na lang ang dulong bahagi, at sikaping maging straight line. Sa ganyang pirma, tulad ng nasabi na, tuluy-tuloy kang aasenso at liligaya.


Kapag nasunod mo na ang mga simpleng rekomendasyon sa itaas, tiyak ang magaganap sa mid year hanggang sa last quarter ngayong 2024 hanggang sa pagpasok na pagpasok ng taong 2025, sa edad mong 33 pataas, iba’t ibang uri ng mga suwerte at magandang kapalaran ang magdaratingan sa iyong karanasan.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page