top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Pagsusuot ng face mask, common sense na

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 29, 2023
1 min read

@Editorial | April 29, 2023


Kasabay ng mga ulat na nagpaparamdam na naman ang COVID-19, naglabasan na naman ang mga gumagawa at nagpapakalat ng maling impormasyon.


Tulad ng pagbabalik daw ng mandatory face mask sa Metro Manila na agad namang pinabulaanan ng Department of Health (DOH).


Ayon sa ahensya, nananatiling status quo o walang pagbabago sa umiiral na restriksyon sa rehiyon.


Una na ring sinabi ng DOH na hindi inirerekomenda ang pagbabalik ng mandatoryong pagsusuot ng face mask sa kabila ng pagtaas ng mga kaso kung saan mula Abril 17 hanggang 23, tumaas sa 32% ang COVID positivity rate o porsyento ng nagpopositibo sa virus mula sa mga nasuring indibidwal.


Nilinaw din ng ahensya na nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1 ang buong Metro Manila at patuloy pang tinatalakay ng Inter-agency Task Force ang kasalukuyang alert level system sa Pilipinas. Kaya huwag maniwala sa post na may lockdown na naman, fake news ‘yan.


Paalala sa publiko, bukod sa pag-iingat sa COVID, dapat ding maging mas mapanuri sa mga ipinapakalat na impormasyon, matuto na tayo.


Ang pinakamahalaga, alamin natin kung paano mapoprotektahan ang sarili at pamilya mula sa banta ng COVID na may bago na namang variant. Mandatory man o hindi ang pagsusuot ng face mask, ‘ika nga, common sense na 'yan. Kapag matao, mag-mask. Kung may sakit at kailangang lumabas, mag-mask.


Ang pinakamabisang paraan sa kabuuan ay huwag pasaway.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page