top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagsisikap ng estudyante at magulang, ‘wag sayangin; problema sa internet, tugunan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 6, 2020
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | August 6, 2020



Tuloy ang pagbubukas ng klase ngayong Agosto.


Dahil hindi pa uubra ang face-to-face classes, walang choice kundi sundin ang distance learning. Kabilang sa mga paraan para maturuan ang mga mag-aaral ay ang printed at digital modules, online classes, TV at radio.


Base sa survey na isinagawa ng Department of Education (DepEd), isa sa mga problema ng mga magulang ang mahinang internet connection, na maaaring makaapekto sa learning process ng mga estudyante gamit ang distance learning.


Bagama’t internet ang problema ng mayorya sa mag-aaral, tuloy pa rin ang paggamit nito sa ilalim ng distance learning.


Kaugnay nito, kamakailan ay dinagsa ng reklamo ang mga internet provider dahil sa hindi magandang signal o pawala-walang internet connection at unang naapektuhan ay ang mga manggagawang naka-work from home.


Samantala, sa Agosto 10, Lunes, magsasagawa ng dry run sa implementasyon ng distance learning ang DepEd bilang paghahanda sa bagong paraan ng pagtuturo sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Nawa’y makatulong ito sa pagtugon sa ilang problema ng ating mag-aaral.


Layunin din nating maging epektibo ang paraang ito at hindi lamang basta maipakitang may ginagawa tayo para masimulan ang pagbubukas ng klase.


Kung tuloy ang klase at halos lahat ay gagamit ng online classes, mas maraming internet user at tiyak na magsasabay-sabay ang mga ito.


Kaya ang pangamba ngayon, paano mabibigyan ng sapat na edukasyon ang mga mag-aaral kung hindi pa man umpisa ang klase ay wala nang matinong internet?


Panawagan sa kinauukulan, tugunan ang problemang ito sa lalong madaling panahon.


Tiyakin nating hindi masasayang ang pagsisikap ng mga magulang at mag-aaral na makasabay sa distance learning, partikular sa online classes. Tipong nagmadaling makabili ng gadget at makapag-enroll para hindi matigil ang pag-aaral, pero mababalewala lang dahil sa kawalan ng magandang signal o koneksiyon sa internet.


Hangad nating maging epektibo at matagumpay ang paraang ito alang-alang sa ikabubuti ng mga estudyante at edukasyon.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com6

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page