top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagsilip sa bank account ng mga gov't official, pabor sa masa tagilid sa mga buwaya

  • BULGAR
  • Oct 30, 2022
  • 1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 30, 2022


HIRIT NI REP. ATAYDE NA ALISIN SA BANK SECRECY LAW ANG BANK ACCOUNTS NG MGA POLITICIANS AT GOV'T OFFICIALS, MALAMANG REJECTED AGAD—Napakaganda ng panukala ni Quezon City Rep. Arjo Atayde na alisin ang Bank Secrecy Law sa mga pulitiko at opisyal ng gobyerno upang magkaroon ng kapangyarihan ang awtoridad na alamin ang laman ng kanilang bank accounts, partikular 'yung mga nasasangkot sa katiwalian.


Bagama't pabor sa masa, tiyak na hindi pa rin ito papasa dahil imposible itong suportahan ng mga "buwaya".


◘◘◘


KUNG HINDI NI-LIFT NI EX-P-DUTERTE ANG MINING AT LOGGING BAN, HINDI SANA NAKARARANAS NG MATINDING TRAHEDYA ANG MGA PINOY—Sa pananalasa ng Bagyong Paeng ay marami sa ating kababayan ang nasawi at maraming kabuhayan ang napinsala dulot ng pagragasa ng tubig-baha at landslide na nagmula sa mga kabundukang kinalbo ng mga abusado at mapagsamantalang mining at logging company.


Kung hindi sana nagpalabas noon ng executive order si ex-P-Duterte na nagli-lift sa ipinatupad na mining at logging ban, hindi sana nakararanas ng trahedya ang mamamayan.


Mula nang ibasura ni ex-P-Duterte ang mining at logging ban, muling nagpiyesta ang mga abusadong mining at logging companies.


◘◘◘


MINING AT LOGGING BAN, DAPAT BUHAYIN NI P-BBM—Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na madalas hagupitin ng malalakas na bagyo na may kaakibat na malalakas na pagbuhos ng ulan.


At para hindi makapaminsala nang husto sa bansa ang mga bagyo, dapat gamitan ni Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ng kamay na bakal ang mga mining at logging company.


Dapat ibasura ni P-BBM ang EO ni ex-P-Duterte na pag-lift sa mining at logging ban.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page