top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagpupuslit ng mga kontrabando sa kulungan, solusyunan!

  • BULGAR
  • Nov 5, 2022
  • 1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | November 5, 2022


Kamakailan ay nasa 12,000 kontrabando ang isinuko ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor).


Kabilang ang ilegal na droga, cellphone, armas at alak, gayundin ang mga laptop, kagamitan sa pagsusugal, sigarilyo at nasa 7,500 piraso ng beer in cans.


Ayon kay (BuCor) officer-in-charge Gregorio Catapang, Jr., mismong bilanggo na nagsuko ng kontrabando ang nagsabing nagkakahalaga umano ng P1,000 kada piraso ng beer.


Sinasabing naipuslit ang mga naturang kontrabando sa kabila ng Maximum Security Compound ng NBP. Gayunman, hindi pinangalanan ng opisyal kung sino ang tumatanggap ng pera dahil dumaraan pa umano ito sa imbestigasyon.


Matatandaang, itinalaga si Catapang bilang officer-in-charge matapos masuspinde si BuCor chief Gerald Bantag para bigyang-daan ang imbestigasyon sa pagkamatay ng sinasabing middleman sa pagpaslang kay Percy Lapid.


Sa totoo lang, nakakadismaya dahil kahit sino ang maupo sa BuCor, tila hindi nawawalan ng isyu. Walang pangil ang mga namumuno, kaya maraming nakakalusot at korupsyon.


Kaya ang tanong, paano nakakalusot ang mga ito? Malinaw ang ebidensya at mismong mga bilanggo ang nagsuko, kaya naniniwala tayong may kapabayaan sa Bilibid.


Marahil, marami pang naitatagong kontrabando, kaya kailangang halughugin pa ang Bilibid hanggang maubos ang mga ito.


Gayundin, makakatulong siguro kung irereporma ang mga tauhan sa NBP. Pero bago ang lahat, panawagan nating mapanagot ang mga nasa likod ng kapabayaang ito.


Hindi puwedeng walang managot, hindi biro ang ganitong gawain.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page