Pagpunta sa cathedral, pahiwatig na may mamanahing pera at good news
- BULGAR
- Mar 20, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 20, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Aurora ng Cubao.
Dear Maestra,
Nawa’y laging maganda ang inyong araw at ligtas sa anumang aberya.
Napanaginipan ko na pumunta ako sa cathedral malapit sa amin. Nagdasal ako ng taimtim dahil sa sobrang kahirapan na dinaranas ko sa buhay. Halos wala na kaming makain ng pamilya ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Aurora
Sa iyo, Aurora,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpunta ka sa cathedral ay may mamanahin kang pera mula sa kamag-anak mong namatay. Ito rin ay nangangahulugang may matatanggap kang magandang balita mula sa kaibigan mo na naglilingkod sa simbahan.
Ang nagdasal ka nang buong taimtim ay nangangahulugang kaligayahan at magandang kalusugan. Gayundin, ito ay nagpapahiwatig na may mabuti kang kalooban.
Samantala, ang ibig sabihin ng dumaranas ka ng sobrang kahirapan, na halos wala na kayong makain ng pamilya mo ay kabaligtaran dahil nangangahulugan ito na susuwertehin at bigla kang yayaman.
May magbibigay sa iyo ng napakalaking pera, dahil d’yan, hindi ka na magugutom, gayundin ang pamilya mo. Sasagana na ang buhay n’yo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments