top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pagpresenta ni DILG Sec. Abalos, sablay!

BULGAR
Oct 23, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 23, 2022


SABLAY ANG PAGPRESENTA NI DILG SEC. ABALOS SA SUSPEK SA PAGKAMATAY NI PERCY LAPID—Sablay ang ginawang pagpresenta ni DILG Sec. Benhur Abalos kay Joel Escorial na bumaril at pumatay kay broadcast journalist Percival Mabasa, na mas kilala bilang Percy Lapid.


Kung ang ginawa ni Sec. Abalos ay hindi muna hinarap sa media si Escorial at kinuha ang lahat ng detalye tungkol sa mga sangkot sa pagpatay kay Lapid, sinecure ang dalawang middleman, ang tatlo pang kasama sa paglikida sa broadcast journalist, pati ang taong nagdeposito sa bank account ng gunman ay natumbok na sana ang mastermind sa krimen.


Matapos kasing sumuko sa pulisya si Escorial noong Oct. 17 ay gusto agad magpabida ni Sec. Abalos sa publiko, kaya iniharap agad ang gunman sa media kinabukasan, kaya lang ang masaklap ay makalipas ang apat na oras makaraang ilantad ang killer sa media, 'yung middleman na nakakulong sa bilibid ay namatay.


◘◘◘


DAPAT PINURI NI P-BBM SI PDEA HEAD VILLANUEVA SA PAGHULI SA ANAK NI SEC. REMULLA AT HINDI SINIBAK—Kung sinuman ang nagpayo kay Pres. Bongbong Marcos na sibakin sa puwesto si PDEA Director General Wilkins Villanueva ay sablay 'yan!


Dahil sa ginawa ni P-BBM, pinuputakti siya ngayon ng batikos sa social media.


At may dahilan ang netizens na batikusin si P-BBM kasi ang grupo ni Villanueva ang nakahuli kay Juanito Jose Remulla, na anak ni Sec. Crispin "Boying" Remulla sa drug bust operation, pero imbes na purihin ito dahil walang sinasanto ang PDEA chief sa paghuli sa mga sangkot sa illegal drugs, mantakin ninyong sinibak ito sa puwesto.


◘◘◘


BAD TINGNAN NA ANG PANGULO AY HINDI NAKIKINIG SA PUBLIKO AT SA KANYANG ATE—Naki-join na si Sen. Imee Marcos sa publiko na nananawagan sa kanyang kapatid na bitawan na ang pamumuno sa Department of Agriculture, at magtalaga na ng permanenteng agriculture secretary para matutukan nito ang iba pang problemang kinahaharap ng bansa.


Ang problem, ayaw bitawan ni P-BBM ang pamumuno sa DA.


Sa totoo lang, dapat pakinggan ng pangulo ang panawagan ni Sen. Imee kasi bad sa paningin ng publiko na ang pangulo ay hindi na nga nakikinig sa publiko, hindi pa nakikinig sa kanyang ate.


◘◘◘


NGAYONG HINDI PA HUMUHUPA ANG PANANALASA NG COVID-19, MAS DAPAT MAGTALAGA SI P-BBM NG PERMANENTENG HEALTH SECRETARY—Hindi pa rin magtatalaga si P-BBM ng permanenteng health secretary at ayon sa pangulo ay gusto niya matapos muna ang problema ng mundo sa COVID-19, 'yung wala nang nananalasang pandemya bago siya magtalaga ng head ng Department of Health.


Kung sinuman ang nagpayo kay P-BBM ay sablay 'yan kasi sa totoo lang, mas dapat maglagay na ang pangulo ng permanenteng DOH secretary, lalo na't hindi pa humuhupa ang pananalasa ng COVID-19 sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page