top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pagprayoridad sa local manufacturers ng PPEs, aprub!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2020
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | September 11, 2020



Para magkaroon ng proteksiyon habang nagbibigay ng atensiyong-medikal sa mga suspected at confirmed COVID-19 patients, kailangang isuot ng frontliners ang personal protective equipment (PPE).


Dahil dito, nag-stock ng PPE ang pamahalaan para matiyak na may magagamit ang ating frontliners, partikular ang medical workers.


Ang nangyari, bumaha ang suplay ng PPE mula China dahil mas mura ito kumpara sa gawang Pinoy, na naging dahilan para mahinto ang order nito sa mga local manufacturer.


Sinundan ito ng panawagan ng publiko at lokal na industriya na sila naman ang suportahan ng pamahalaan.


At bilang tugon, bibigyang-prayoridad ng pamahalaan ang lokal na manufacturer sa pagbili ng PPE.


Sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2, dapat iprayoridad ang local PPE manufacturers pagdating sa pagbibigay ng PPE sa frontliners.


Ayon sa Department of Health (DOH), nakikipag-ugnayan na sila sa Confederation of Wearable Exporters of the Philippines (CONWEP) para sa mga PPE, gayundin, nakipag-usap na ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ibang supplier.


Gayunman, pangamba ng ilan, mas marami rin ang kailangang bayarang buwis ng mga lokal na manufacturer kung gusto nilang sa maibenta sa Pilipinas ang kanilang produkto.


Oras na mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan 2 at masimulan ang pagkuha ng suplay sa local manufacturers, mabibigyan ng pagkakataong kumita ang ating mga kababayang nahinto ang negosyo.


Gayundin, pagkakataon ito para ipakita na kayang makipagsabayan ng mga Pinoy pagdating sa paggawa ng PPE.


Siguro, dapat ding bantayan kung masasamantala ito. Tiyaking gawang lokal ang binibili at hindi imported o iniba lang ang label para masabing galing sa bansa.


Hiling natin na magtuluy-tuloy ang suporta para sa ating lokal na industriya. Kailangang-kailangan din nila ito.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page