top of page

Pagpapatupad ng suspensyon sa Mayor at Vice sa Misamis Occidental, pinamamadali

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4, 2023
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | August 4, 2023



ree

Kinastigo ni Sen. Chiz Escudero ang lokal na puwersa ng pulisya ng Bonifacio, Misamis Occidental dahil sa 'di pa naipatutupad na suspensyon sa mag-asawang Mayor Samson at Vice Mayor Evelyn Dumanjug.


Ani Escudero, 16 na araw na ang suspensyon ng mag-asawa at ang kanilang mga kahalili ay nagtatrabaho na.


Bilang tugon, inihayag ni Philippine National Police Regional Office 10 Regional Director Brigadier General Lawrence Coop na isang “political standoff” ang sitwasyon at wala umano sa hurisdiksyon ng PRO-10 ang makialam.


Ibinahagi pa ni Coop na iniutos din ng Bonifacio municipal police chief na panatilihin lamang ang kapayapaan sa buong panahon.


Idinepensa naman ni PNP Chief Benjamin Acorda ang mga probisyon sa kanilang protocol sa mga opisyal na maghintay muna sa executory order ng quasi-judicial bodies at administrative bodies.


Gayunman, ani Escudero, bagama't hindi dapat pumanig ang mga tagapagpatupad ng batas, hindi rin ito dapat maupo kung may paglabag na ginagawa sa mismong harapan nila.


Matatandaang nasuspinde ang mga Dumanjug matapos masangkot sa pagbili umano ng overpriced at substandard na special vehicles noong 2022.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page