Pagpapalawak ng zero-balance billing, isinusulong ni Sen. Gatchalian
- BULGAR

- Nov 3
- 1 min read
by Info @News | November 3, 2025

Photo: Win Gatchalian - Senate of the Philippines
Nais ni Senate Finance Committee Chairperson Sen. Win Gatchalian na ilipat ang bahagi ng P49 bilyong pondo ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) upang mas palawakin ang zero-balance billing program ng pamahalaan.
Depensa ni Gatchalian, dapat itulak ang reporma sa Universal Healthcare at siguraduhing maipatupad nang buo ang zero-balance billing.
“Nilalagay natin sa kamay ng mga politiko ang desisyon sa buhay at kamatayan, hindi tama ‘yon. Dapat ang sistema mismo ang tumulong sa ating mga kababayan,” aniya.








Comments