top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagpapakasal nang walang Marriage License

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 6, 2023
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | April 6, 2023



Dear Chief Acosta,


Dahil sa aking pakiusap, pumayag ang aming ministro na ikasal ang aking anak sa susunod na linggo kahit wala pa silang nakukuhang marriage license ng kanyang mapapangasawa. Ngayon lamang ako nasabihan ng aking kapatid na ‘yun ay labag sa batas at baka managot ang aming ministro kung gagawin niya ito. Tama ba ang payo ng aking kapatid? –Risa


Dear Risa,


Para sa iyong kaalaman, ang iyong katanungan ay tinalakay ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kaso ng Rene Ronulo v. People of the Philippines (G.R. No. 182438 – July 2, 2014), na isinulat ni Kagalang-galang na dating Mahistrado Arturo D. Brion, kung saan ipinaliwanag na:


“Article 352 of the RPC, as amended, penalizes an authorized solemnizing officer who shall perform or authorize any illegal marriage ceremony. The elements of this crime are as follows: (1) authority of the solemnizing officer; and (2) his performance of an illegal marriage ceremony.”

Samakatuwid, mayroong pananagutan ang isang pari o ministrong may awtoridad na magkasal para sa paglabag ng Artikulo 352 ng Revised Penal Code kung siya ay magsasagawa ng isang illegal marriage ceremony. Kaugnay dito, mayroong illegal marriage ceremony kung sa pagdiriwang ng kasal sa pagitan ng dalawang tao ay may pagkukulang sa alinman sa mga pangangailangan (kagaya ng marriage license) upang sila ay legal na maikasal.


Ibig sabihin, tama ang payo ng iyong kapatid. Illegal marriage ceremony ang mangyayaring kasal sa pagitan ng iyong anak at kanyang mapapangasawa dahil wala pa naman silang marriage license. Kung itutuloy ang kasal, maaaring managot ang inyong ministro alinsunod sa Article 352 ng ating Revised Penal Code.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page