top of page

Pagod na pagod sa pagsa-shopping, senyales ng maginhawang pamumuhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 25, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Divina ng Masbate.


Dear Maestra,

Mayroon akong maliit na negosyo rito sa aming lugar.

Napanaginipan ko na nag-shoping ako, tapos andami kong binili kasi karamihan sa mga items na gusto kong bilhin ay naka-sale. Sa rami ng nabili ko, sobrang napagod ako at bigla akong nagkasakit at kinailangan kong mapahinga ng isa hanggang dalawang linggo, ayon sa doktor na pinuntahan namin. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Divina


Sa iyo, Divina,

Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nag-shopping ka at marami kang pinamili. Ito ay nangangahulugan ng maginhawang pamumuhay, maligayang pagsasamahan, pagsusunuran sa loob ng tahanan at dagdag na kita sa iyong negosyo na pinagkakaabalahan sa kasalukuyan.


‘Yun namang nagkasakit ka, hindi maganda ang ipinahihiwatig nito dahil ibig sabihin, may tuksong darating sa buhay mo, hindi lamang sa love life kundi pati sa negosyong pinagkakakitaan mo ngayon. May posibilidad na umibig ka pa sa iba kahit may mahal ka na. Tungkol naman sa negosyo mo, matutukso kang tanggapin ang inaalok na bagong negosyo ng best friend mo. Pag-aralan mo munang mabuti ang kaliwa at kanan, at iba pang pasikot-sikot sa negosyong iaalok sa iyo. Huwag kang sunggab nang sunggab dahil maaari kang malinlang. Kayadapat ay dobleng pag-iingat ang dapat mong gawin.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page