top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pagnenegosyo, dapat unahin kesa pag-a-abroad dahil uunlad

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 25, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | November 25, 2021






KATANUNGAN

  1. Ako ay Taong Singko dahil ako ay ipinanganak noong October 14, 1988, tama ba ang naiisip kong magnegosyo sa halip na mag-abroad? Pinipilit ako ng kapatid kong nasa Canada na mag-immigrant doon at bago pa magkaroon ng pandemic ay naibigay na niya ang perang panggastos para sa aking mga papeles, kaso naka-pandemya, pero tumawag siya sa akin at sinabing ituloy ko na ang pag-aayos ng aking mga papeles.

  2. Kaya lang, parang mas gusto kong magnegosyo. Balak kong magtayo ng restoran at may magpapahiram naman sa akin ng puhunan at hindi naman iba sa akin ang taong ito.

  3. Naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, upang malaman kung ano ang mas dapat kong gawin, ang magtayo ng restoran o tumuloy sa Canada?

KASAGUTAN


  1. Mas tama ang una mong option kung saan mas makabubuting sa panahong ito, magnegosyo ka na lang sa halip na mag-abroad. Ito ang nais sabihin ng malinaw at makapal na Dalawang Guhit ng Negosyo (Drawing A. at B. N-N arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na sa pagnenegosyo ng mga produktong may kaugnayan sa pagkain, bulaklak, halaman, ornamental at agricultural products at iba pang kalakal na nakagaganda sa kapaligiran, nakakabusog sa mga mata at tiyan at tipikal na ginagamit ng pisikal na katawan, tiyak na aasenso at uunlad ka. Ang pag-aanalisang aasenso at uunlad ka sa pamamagitan ng pangangalakal ay madali namang kinumpirma ng lagda mong dalawang initial lamang at pagkatapos ay ang iyong apilido. Ito ang lagda na karaniwang ginagamit ng mga negosyante nang naging milyonaryo.

  3. Samantala, bukod sa Dalawang Guhit ng Negosyo (Drawing A. at B. N-N arrow a. at b.) kinakitaan din ng Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) ang kaliwa at kanan mong palad, na nagsasabi namang kahit ayaw mo, kusa ka ring makapag-a-abroad o makapangingibang-bansa bilang turista sa panahong itinakda ng kapalaran matapos kang maging matagumpay at asensadong negosyante.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Erick, gawin mo ang una mong naisip ang pagnenegosyo dahil tiyak pagkatapos magtagumpay ng itatayo mong negosyo, ang kasunod nito ay makapag-a-abroad ka, hindi upang magtrabaho o maging immigrant sa ibang bansa kundi upang maging turista.

  2. Dagdag pa rito, ayon sa iyong mga datos, ang lahat ng nabanggit ay magsisimula at kusang magaganap sa taong 2022 sa bwuan ng Abril hanggang Mayo, sa edad mong 33 pataas. Sa nasabing panahon, unti-unting aangat ang graph ng iyong kapalaran sa aspetong pampinansiyal patungo sa napakalaking tagumpay at pagyaman. (Drawing A. at B. H-H arrow d.).


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page