Paglutas sa "Percy Lapid slay", hindi sana 'ningas-kugon'
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 5, 2022
P544-B 'LUMP SUM' SA DPWH, PORK BARREL LANG NG MGA SEN. AT CONG.?—Kinuwestyon ni Minority Leader, Sen. Koko Pimentel ang P544 bilyong nakasingit na "lump sum" sa Department of Public Works and Highways.
Naku, hindi kaya ang P544-B ay pork barrel ng mga senator at congressman?
Kung 'yan ay pork barrel, aba'y napakalaking halaga pala ng pagpaparte-partehan ng mga sen. at cong., na kung iko-compute natin ay aabot ito sa mahigit kalahating trilyon.
◘◘◘
PRESS SEC. ANGELES, COA CHAIRMAN CALIDA, COMELEC COMM. CELIS AT DITC SEC. UY, TABLADO KAY P-BBM—Sa 14 na miyembro ng Gabinete ni Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na ni-reject ng Commission on Appointments (CA), 10 lang ang nire-appoint ni P-BBM.
Ibig kayang sabihin nito, ang apat na hindi nire-appoint, tulad nina Press Sec. Trixie Angeles, COA Chairman Jose Calida, Comelec Commissioner Nelson Celis at Department of Information and Communications Technology (DITC) Sec. Ivan John Uy ay tablado na sa pangulo?
◘◘◘
IMBES NA MAKIRAMAY, PINAGTAWANAN PA NG MGA TROLLS ANG PAGPATAY KAY BROADCAST JOURNALIST PERCY LAPID—Pinatay ng riding-in-tandem si hard hitting broadcast journalist Percival Mabasa alyas "Percy Lapid."
Marami ang nalungkot at nagalit sa paglikida kay "Percy," pero ang mga trolls ay nagtawanan pa kasi kita sa social media na ang reactions nila ay "ha-ha" at hindi "sad".
Ganyan ka-bad ang mga trolls kasi imbes na makiramay, ginawa pa itong katatawanan.
◘◘◘
BINUONG TASK FORCE SA PAGLUTAS SA "PERCY LAPID SLAY", HINDI SANA 'NINGAS-KUGON'—Bumuo ng task force ang Philippine National Police na lulutas sa kasong pagpatay kay "Percy Lapid."
Totoo ba 'yan o "ningas-kugon" lang?
Ang dami na kasing nilikidang journalists at palagi na lang bumubuo ng task force ang PNP para kuno malutas agad ang kaso, ang problem, hindi nila nalulutas, lalo na kapag malamig na ang isyu, dinededma na lang nila ito.





Comments