top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Paglaban sa korupsiyon at droga, 'di nabanggit sa SONA, mga 'buwaya', nagpiyesta

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 26, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 26, 2023


NATAPOS ANG SONA NI P-BBM NANG WALANG NABANGGIT SA PAGLABAN SA CORRUPTION KAYA NAGBUNYI MGA BUWAYANG TRAPO — Ang matinding nagpapahirap sa mamamayang Pilipino ay ang talamak na pangungurakot ng mga traditional politicians (trapo) sa kaban ng bayan kaya ang isa sa inabangan ng sambayanan sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay kung paano lalabanan ng Marcos administration ang korupsiyon sa bansa.


Ang masaklap, natapos ang SONA ng Presidente nang wala siyang binanggit sa paglaban sa katiwalian, at dahil d'yan, nagbunyi ang mga corrupt na trapo, nakakabingi ang kanilang mga palakpakan, at sinabayan pa ito ng standing ovation, boom!

◘◘◘


MGA MANGMANG, INUNGGOY SA SONA NI P-BBM NA MABABA NA RAW ANG PRESYO NG MGA PAGKAIN KASI SA KADIWA LANG MURA AT MAHAL PA RIN SA MGA PALENGKE, TALIPAPA AT GROCERY — Isa sa ibinida ni P-BBM sa kanyang SONA ay pang-uunggoy sa mga mangmang kasi ayon sa Presidente, bumaba na raw ang presyo ng mga bilihing pagkain, at ito ang kanyang litanya..."Napatunayan natin na kayang mapababa ang presyo ng bigas, karne, isda, gulay at asukal".


Ang masaklap nga lang, ang ibinidang ito ni P-BBM na mababang presyo ng mga pagkain ay sa mangilan-ngilan at mabibilang sa daliri na mga "Kadiwa stores", pero sa mga palengke, talipapa at maging sa mga grocery stores, ubod pa rin taas presyo ng mga pagkain, period!

◘◘◘


MGA NAG-FEELING MODELO, PA-ISTARAN NA NAMAN ANG MGA BABAENG SEN., CONG. AT MISIS NG MGA TRAPO SA SONA NI P-BBM — Habang naghihirap ang mamamayan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, sa SONA ni P-BBM ay nagpagandahan na naman sa mga suot nilang gown ang mga kababaihang senador, kongresista, at mga misis ng mga trapo.


Nag-feeling mga modelo, nagpa-istaran na naman sila sa mga kasuotan nilang mga mamahaling gown, mga pwe!

◘◘◘


AFTER NG SONA NI P-BBM, PARANG KABUTENG NAGSULPUTAN ANG MGA RAKET NG MGA ILEGALISTA SA SOUTHERN PART NG METRO MANILA — Pagkatapos ng SONA ni P-BBM, parang kabuteng nagsulputan ang mga raket na lotteng, bookies at EZ-2 nina "Haruta", "Joy", "Deck", "Ricky", "PJ", "Allen" at "Josie" sa Muntinlupa City, Pasay City, Taguig City, Parañaque City, Makati City at Las Piñas City.


Dapat ipaaresto ni Southern Police District (SPD) P/Gen. Kirby John Kraft ang lahat ng mga ilegalistang ito sa kanyang jurisdiction para mapatunayan niya sa publiko na hindi niya kinukunsinte ang raket ng mga mangraraket sa kanyang nasasakupan, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page