top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagkumpiska ng gobyerno sa mga sasakyang ginamit sa smuggling at hoarding, dagdag-pondo na rin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 17, 2023
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | September 17, 2023


Maituturing na pag-aari na ng pamahalaan ang anumang uri ng transportasyon na ginamit sa smuggling at hoarding, at mga agricultural products matapos na ang mga ito ay makumpiska.


Base ito sa inihaing panukalang batas ni Sen. Cynthia Villar na Senate Bill 2432 o Agricultural Economic Sabotage Act, na umusad na rin sa ngayon sa plenaryo.


Kasamang inendorso ng tatlong committee at 16 na senador, nakasaad sa SB2432 na kinukonsiderang economic sabotage, kung saan may parusang habambuhay na pagkabilanggo, ang smuggling, hoarding, profiteering at pagkakartel ng mga produktong agrikultural.


Nakapaloob din sa panukala na lahat ng ginamit sa economic sabotage ay kukumpiskahin ng gobyerno, kabilang dito ang eroplano, barko, warehouse, kahon, lahat ng sisidlan at iba pang tulad nito.


Itinuturing naman na sapat nang ebidensya ang pagkakarga o pag-iingat ng mga puslit o smuggled goods, at hinoard na mga agricultural products.


Ayon sa ulat, ang mga masasamsam na gamit at transportasyon ay ibebenta, habang ang kikitain mula rito ay gagamiting reward at insentibo sa mga impormante. Posible ring ipagamit ang mga ito sa mga operatiba at mga abogado na mag-iimbestiga at uusig sa mga smuggler at hoarder.


Sakali man na maging ganap na batas ang naturang panukala, malaking tulong ito sa gobyerno at sa mga mamamayan.


Batid naman natin na talagang maraming smugglers at hoarders sa ating bansa, at ang masaklap hirap ang mga awtoridad na mahuli ang mga ito dahil parang mga palos sa galing sa pagtatago.


Marahil, tama lang na kumpiskahin ng gobyerno ang mga transportasyon na ginagamit sa pagpupuslit at pananabotahe para hindi na dumami pa ang mga ganitong ilegal na gawain.


Paalala natin sa kinauukulan na ang malilikom na halaga na pinagbentahan ng mga ito ay gamitin lamang sa tama na pakikinabangan ng taumbayan.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page