top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagkatapos maipasara ang ABS-CBN, GMA, iimbestigahan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 23, 2020
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 23, 2020



PAGKATAPOS NG ABS-CBN, BAKA NEXT MAWALAN NG WORK AY ANG MGA TAGA-GMA NETWORK—Maghahain daw si Cavite 4th Dist. Rep. Elpidio Barzaga ng resolution para imbestigahan din ang PDRs (Philippine Depositary Receipts) at iba pang isyu sa GMA network, tulad ng “imbestigasyong” ginawa nila sa ABS-CBN.


Dahil d’yan, malamang ‘yung mga taga-GMA network, lalo na si Kapuso creative writer Suzette Doctolero na nagbubunyi sa pagkaka-shutdown ng ABS-CBN ay kinakabahan na ngayon kasi baka sila na ang next na mawalan ng work sa panahon ng pandemya kapag ipina-shutdown din ng Kongreso sa National Telecommunication Commission (NTC) ang GMA Network, boom!

◘◘◘


MAKATIKIM DIN KAYA NG PAMBU-BULLY AT PANG-IINSULTO SA KONGRESO SINA GOZON AT DUAVIT NG GMA NETWORK?—Ayon kay Rep. Barzaga, kaya siya nagdesisyong paimbestigahan din ang GMA Network ay para maging patas sa ABS-CBN at hindi masabi ng publiko na pinersonal ng gobyerno ang Kapamilya network.


Patas? ‘Yan ngayon ang aabangan ng taumbayan kung ibu-bully at iinsultuhin din ng mga congressmen ang mga big boss ng GMA Network na sina Chairman/CEO Felipe Gozon at President/COO Gilbert Duavit tulad nang pambu-bully at pang-iinsultong inabot ng pamilya Lopez sa Kongreso, abangan!


◘◘◘


NAHIYA PA SI SOTTO, SANA 100% RATING NA ANG IBINIGAY NIYA KAY P-DUTERTE—Bago ang State of the Nation Address (SONA) ni P-Duterte ngayong Hulyo 27, 2020, sinabi Senate President Tito Sotto na 85% daw ang ibibigay niyang marka sa performance ng Pangulo sa nakalipas na apat na taong pamamahala sa bansa.


Pambihira, eh, parang nahiya pa si Sotto, sana ay ginawa niyag 100% para happy ang Malacañang, boom!


◘◘◘


SAKIT SA DAMDAMIN NG MGA DDS ANG PA-PERMIT NI MAYOR JOY SA MGA MAGRA-RALLY SA SONA NI P-DUTERTE—Pinagkalooban ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ng permit ang mga magra-rally sa SONA ng Pangulo ngayong Lunes (July 27), basta’t susunod daw ang mga ito sa mga health protocols.


Naku, ang sakit niyan sa mga DDS kasi ayaw nilang may nambabatikos kay P-Duterte at dahil may permit, asahan nang kaliwa’t kanang batikos ang aabutin ng Pangulo mula sa mga raliyista sa araw ng kanyang SONA, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page