top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagkapit sa patalim ng mga apektadong tsuper at operator, dapat iwasan ng gobyerno

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 3, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | March 3, 2023




PARUSANG KAMATAYAN SA MGA PLUNDERER, DAPAT ISULONG NI SEN. ROBIN, AT HINDI ANG CHACHA—Dapat isulong ni Sen. Robin Padilla sa Senado ang parusang kamatayan sa mga plunderer at hindi ang Charter-Change (Chacha) o pagbabago sa Saligang Batas.


Sa totoo lang, hindi ang Saligang Batas ang sanhi ng kahirapan ng Pilipinas kundi dahil sa rami ng mga kurakot na nanunungkulan sa pamahalaan.


‘Ika nga, mabago man ang Saligang Batas, kung untouchable pa rin ang mga korup na politicians, tiyak na maghihirap pa rin ang mamamayan.


Ang tanging solusyon para guminhawa ang pamumuhay ng mamamayan ay patawan ng parusang kamatayan ang mga kurakot sa gobyerno. Boom!


***

EPEKTIBO ANG PROTESTA LABAN SA MGA MALING POLISIYA NG GOBYERNO—Dahil sa banta na isang linggong tigil-pasada ng mga jeepney drivers at operators bilang protesta sa inanunsyo ng Land Transportation Franchise Regulatory Board (LTFRB) na hanggang Hunyo 30, 2023 na lang puwedeng bumiyahe ang mga traditional jeepney, naobliga ang Marcos administration at pinalawig nang hanggang Disyembre 31, 2023 ang prangkisa ng mga lumang jeep.


Patunay ‘yan na epektibo ang protesta sa mga maling polisiya ng gobyerno dahil kung nanahimik lang ang mga tsuper at operator ng jeep at hindi sila nagbanta ng protesta, tiyak na pagsapit ng Hulyo 1, 2023 ay wala na silang hanapbuhay, period!


***

KAPAG NAWALAN NG HANAPBUHAY ANG MGA TSUPER AT OPERATOR NG JEEP, BAKA MAGING KRIMINAL ANG MGA ‘YAN—Dapat tuldukan na ng gobyerno ang bantang phaseout sa mga traditional jeepney. Gayundin, dapat hayaan na lang ang mga tsuper at operator kung ano ang gusto nilang gamitin sa hanapbuhay, kung traditional jeepney o modern jeepney, alisin na ang deadline na hanggang Disyembre 31, 2023 ay tanggal na ang prangkisa ng mga lumang pampasaherong jeep.


Dapat isalpak ng mga taga-Malacañang at LTFRB na kapag nawalan ng hanapbuhay ang mga tsuper at operator, baka ang gawin ng mga ‘yan ay magbenta ng droga, mangholdap at magnakaw para may maipambili ng pagkain para sa kanilang pamilya.


Kainam na patas na naghahanapbuhay ang mga tsuper at operator ng traditional jeepney, eh, ang gusto pa yatang mangyari ng gobyerno ay maging kriminal ang mga ito. Boom!


***

RAKET NA COLOR GAMES AT DROP BALLS SA BATANGAS AT LAGUNA, DINADAAN-DAANAN LANG, ‘DI HINUHULI NG KAPULISAN—Mistulang legal na ang raket na color games at drop balls nina ‘Aling Tessie’ sa Batangas at ‘Baby Panganiban’ sa Laguna.


Dinadaan-daanan na lang daw kasi ito, at hindi hinuhuli ng mga tauhan nina Batangas Provincial Director (PD), Col. Pedro Soliba at Laguna PD, Col. Randy Silvio. Tsk!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page