top of page

Pagkalat ng ASF, pigilan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2024
  • 1 min read

by Info @Editorial | August 20, 2024



Editorial

Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa border controls nito sa Metro Manila at karatig lalawigan para mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).


Sa National Capital Region (NCR), mayroon na umanong anim na meat inspection checkpoints para matiyak na ang mga baboy na inihahatid sa mga katayan at pamilihan ay ASF-free.


Kasunod nito, nagdagdag na rin ng inspection checkpoint sa San Jose Del Monte, Bulacan para mapigilan ang mga infected na baboy mula sa south na makarating sa northern provinces. 


Nakikipag-ugnayan na rin umano sila sa lalawigan ng Rizal para makapaglagay ng panibagong checkpoint partikular sa bayan ng Rodriguez.


Matapos ang mga operasyon nitong nakaraang apat na araw, kinailangan na rin nilang humingi ng tulong sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at local traffic enforcers.


Sa ngayon, tiniyak naman ng BAI na nakikipagtulungan na rin ang mga lokal na pamahalaan sa pag-deploy ng manpower.


Kailangan ding makiisa at tumulong ang publiko na mapigilan ang pagkalat ng ASF.

Para naman sa mga matitigas ang ulo, plis lang, huwag nang ipilit ang bawal. Makinig sa kinauukulan at gawin ang tama. Kapag lalo pang kumalat ang ASF, mas malalagay sa alanganin ang kabuhayan ng bayan.


Samantala, kasabay ng mga inilalatag na checkpoint, umaasa rin tayo sa mabilisang ayuda mula sa gobyerno para sa mga apektado nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page