top of page
Search
  • BULGAR

Pagkakatay ng katutubong hayop, legal ‘pag parte ng ritwal o tradisyon sa relihiyon

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 13, 2020


Dear Chief Acosta,


Isa akong miyembro ng Indigenous People na nakatira malapit sa kabundukan. Bilang tradisyon, nagkakatay at nag-aalay kami ng mga katutubong hayop o mga hayop sa buhay-ilang tuwing may mahalagang okasyon sa aming relihiyon. May batas ba na nagbabawal sa aming gawain? - Sandro


Dear Sandro,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act (R.A.) No. 9147, o ang “Wildlife Resources Conservation and Protection Act”. Ayon sa Section 27 ng batas na ito:


Section 27. Illegal Acts. - Unless otherwise allowed in accordance with this Act, it shall be unlawful for any person to willfully and knowingly exploit wildlife resources and their habitats, or undertake the following acts;
(a) killing and destroying wildlife species, except in the following instances;
(i) when it is done as part of the religious rituals of established tribal groups or indigenous cultural communities; x x x ” (Binigyang-diin)

Nakasaaad sa batas na ito na pahihintulutan lamang ang pagkakatay at pag-aalay ng mga katutubong hayop o hayop sa buhay-ilang kung ito ay parte ng ritwal o tradisyon sa relihiyon ng isang tribo o ng mga Indigenous Peoples (IPs). Sa madaling salita, ipinagbabawal ito kapag ito ay isinagawang hindi naaayon sa nabanggit na kadahilanan.

Kaugnay nito, ang sinumang lumabag ay maaaring maparusahan ng kulong mula anim (6) na buwan at isang araw hanggang isang (1) taon. Maaari ring maipataw ang multa na halagang P10, 000 hanggang P100, 000. (Section 28 e, R.A. No. 9147)


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page