top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pagkabigo ng Gilas sa 31st SEAG, SBP nag-sorry

BULGAR
May 26, 2022
2 min read

ni GA - @Sports | May 26, 2022



Humingi ng paumanhin ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) hinggil sa masaklap na pagkatalo ng Gilas Pilipinas sa nakaraang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam matapos maputol ang 13-taong paghahari sa regional basketball tournament ng Indonesia.

Nabasag na ang katahimikan ng pamunuan ng basketball sa bansa sa pamamagitan ng paglabas ng statement ni SBP president Al Panlilio sa kanilang social media post.

Mariing inako ng naturang samahan ang naging resulta ng laro ng men’s national squad sa kampanya sa Hanoi meet na nagtapos sa 81-85 pagkabigo na nagdulot ng maraming katanungan at panlalait sa mga Filipino higit na sa social media. “We apologize we fell short and were not able to give our teams better support they needed to retain the gold,” saad ni Panlilio sa kanilang Facebook account. “There are no excuses and we've learned out lessons. We will bounce back and reclaim out spot to stay ahead.”


Nauna nang inako mismo ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang nakuhang panalo na pumutol sa ika-13th sunod na kampeonato at sa ika-18th kabuuang kampeonato sa SEA Games, kung saan tanging Malaysia pa lang ang nakakatalo sa basketball team noong 1979 Jakarta Games at 1989 Kuala Lumpur meet.

Inamin din ni Reyes at maging ng ilang basketball official na malaki ang naging kakulangan sa preparasyon ng koponan dahil sa iba’t ibang mga naunang asignatura ng bawat manlalaro sa PBA at sa international stage.


Naging malaking kawalan din para sa koponan ang pagkawala ng orihinal na manlalaro sa koponan tulad nina Japeth Aguilar (calf injury), Dwight Ramos (Japan B-League) at Robert Bolick (personal) na hindi nakalaro na siyang makakatulong sa kawalan ng shooting at big-man sa koponan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page