top of page
Search
  • BULGAR

Pagiging tindera, dapat talikuran dahil sure na bubuwenasin sa abroad

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Ika-20 Araw ng Abril, 2024



 


KATANUNGAN

  1. Ako ay isang tindera sa palengke. Isang araw, bigla akong kinontak ng kababayan at kababata ko na nagtatrabaho sa ibang bansa. Nangangailangan umano ng domestic helper ang amo niya at inaalok niya ako kung gusto ko raw bang mag-abroad. Sinabi niya pa sa akin na ayusin ko na ang mga papeles ko at siya na raw ang bahala sa gastos dahil pahihiramin niya muna raw ako at saka ko na umano ito bayaran kapag nasa abroad na ako.  

  2. Sa madaling salita, tutulungan niya raw akong makapag-abroad, dahil gusto niya akong makasama roon. Kaya lang natatakot ako, wala pa akong experience sa abroad at naiisip ko rin na baka sa halip na gumanda ang kapalaran ko sa ibang bansa ay mas lalo pang pumangit. Pinanghihinaan ako ng loob, kaya naisipan ko munang magpakonsulta sa iyo, Maestro. 

  3. Ano ba ang dapat kong gawin at ano ba ang nakaguhit sa palad ko? Maestro, may maganda ba akong Travel Line at susuwertehin kaya ako sa abroad?  

 

KASAGUTAN

  1. Kapansin-pansin ang sobrang ganda, malinaw at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na may isang panahon sa iyong buhay kung kailan makakaranas ka ng isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa.

  2. Ang pag-aanalisang makakapag-abroad ka ay madali namang kinumpirma ng birth date mong 28 sa zodiac sign na Gemini. Kung saan, matapos kang maghirap at magtiis, ito ang panahon upang makaranas ka ng isang maalwan, maganda at maligayang pamumuhay na tiyak na magaganap ngayong 2024.  Ang tulad mong Gemini ay sadyang papalarin sa pagpasok ng planetang Jupiter na nakatakdang mangyari at maganap ngayong Mayo 2024.

 

MGA DAPAT GAWIN 

  1. “Timing” ang mahalagang sangkap ng tagumpay. Nangyaring ganu’n, kung pagsisipag at pagsisikap ang gagawin ng isang tao, pero wala naman sa tamang panahon. Ang mga pagsisikap at pagtatangka na ito ay mababalewala lang.

  2. “Tamang nilalang o kasama,” ang isa pang sangkap upang magtagumpay at umunlad ang isang tao. Kung saan, kapag ka-compaible mo ang iyong kaibigan at kasama, anuman ang inyong gawin, lalo kang susuwertehin at uunlad.

  3. Kapwa nasa kapalaran mo na ang mga nabanggit, ngayon na ang tamang timing upang makapag-abroad na tutulong sa iyo. Kaya hindi ka dapat panghinaan ng loob.

  4. Sapagkat, ayon sa iyong mga datos ngayong 2024 sa buwan ng Hunyo pinaka-matagal na sa Setyembre, sa edad mong 32 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong karanasan.

 


0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page