top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagiging martir, ‘di dapat gawin ng mister na ipinagpalit sa iba

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 18, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | November 18, 2023


Dear Maestro,


Ang problema ko ay tungkol sa aking pamilya. Hiwalay na ako sa aking asawa.


Nagtrabaho ako sa Saudi at habang nandu’n ako, ang misis ko ay nanlalalaki na pala rito sa ‘Pinas. Huli na ng malaman ko na may kalaguyo siya. Magkakabalikan pa kaya kami? Ang balita ko kasi ay nagsasama na sila ngayon.


Ang birthday ko ay October 12, 1988 habang January 27, 1989 naman ang misis ko.

Umaasa,

James Smith ng Libis, Binangonan, Rizal

Dear James Smith,


Kung legal kayong mag-asawa, may pinanghahawakan kang mga dokumento na nagpapatunay na asawa mo siya at may matibay ka ring ebidensya na nanlalalaki o sumama siya sa ibang lalaki, puwede mo siyang idemanda at ipakulong.


Kung sakaling mangyari ang mungkahi namin, paniguradong luluha ang iyong dating misis at hihingi ng tawad sa iyo, para pagbayaran at pagdusahan niya sa kulungan ang kalapastanganang ginawa niya sa iyo.


Ngayon, kung magsasawalang-kibo ka lang at hihintayin mo kung mag-aaway sila ng kinakasama niya ngayon, maaaring magbalik pa siya sa iyo, pero kung nagkataong tulad mo na ka-compatible ng misis mo ang naturang lalaki, para kang hilong-talilong na naghihintay sa wala at hindi man lang nabigyan ng katarungan ang ginawang panloloko sa iyo.

Alam mo kung minsan, hindi naman dapat na magpakabayani at magpaka-martir para lang masabi nating “mahal mo kasi ng labis ang iyong asawa” kaya hindi mo na siya sinuplong sa batas o pinahuli sa pulis, dahil kung ganu’n ang laging mangyayari, lumalabas na tino-tolerate lang natin ang pagawa nila ng kasamaan. Ang ending n’yan, patuloy na lalago at kakalat ang nasabing kasamaan sa ating daigdig!

Ganu’n ‘yun! Kaya kung nais mong magkabalikan kayo ng misis mong may kalaguyo ngayon, kailangang wasakin mo ang ginagawa nilang kasamaan. At magagawa mo lamang ‘yan kung isusuplong mo sila sa may kapangyarihan, pero dahil nga mahal mo pa naman siya, kapag humingi ng tawad, ‘yun naman ang proper time o tamang panahon, na mamuhay ka muli bilang isang mabuting Kristiyano, “magpatawad ka at tanggapin ang mga nagbabalik loob na masasama!” Kapag naranasan na ng misis mo na matulog sa kulungan at humimas ng rehas, tiyak na matututo at magbabagong buhay na ‘yan.

At sa sandaling humingi ng tawad si misis at nangakong tatalikdan na niya ang ka-immoral at kakalimutan na ang kanyang kalaguyo, patawarin mo siya, dahil compatible pa rin naman ang birthday mong October 12, 1988 at January 27, 1989 ng misis mo.


Tiyak ang magaganap, sa hinaharap, muling mabubuo at magsama-sama ang isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page