top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pagiging martir, ‘di dapat gawin ng bebot na may babaerong BF dahil may makikilalang bago

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 24, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | March 24, 2021





KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako ngayon, at ang problema ay may iba pa siyang babae bukod sa akin. Noong una, ang bait-bait niya, tapat at akala mo ay totoong-totoo, pero ngayon natuklasan kong dalawa pala kami sa buhay niya.

  2. Gusto ko nang makipag-break sa kanya, pero parang hindi ko kayang gawin dahil mahal na mahal ko pa rin siya kahit alam kong may kahati ako.

  3. Maestro, payuhan mo ako kung ano ang dapat kong gawin at ano ang nakaguhit sa aking palad, siya na ba o may darating pang iba?


KASAGUTAN

  1. Kapansin-pansin ang nawasak na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na kapag hindi mo hiniwalayan ang kasalukuyan mong boyfriend, hindi ka magiging maligaya sa kanyang piling. Sa halip, problema at sakit lamang ng kalooban ang ipalalasap niya sa iyo habang hindi mo magagawang pagbawalan siya na makipagkita sa isa niya pang girlfriend. Kumbaga, kahit pagbawalan mo siya, dahil alam niyang mahal na mahal mo siya, susuwayin ka rin niya kung saan sa bandang huli, hanggang sa mabuntis ka ay lalo mong hindi magagawang hiwalayan ang playboy mong boyfriend hanggang sa tuluyan mo siyang mapangasawa.

  2. Kaya hindi pa ‘yun ang masaklap, sa sandaling napangasawa mo ang lalaking ‘yan, akala mo ba’y magbabago ang kanyang nakaugaliang pambababae? Ang sagot ay hindi, sa halip, lalo pa siyang sasama sa panahong mag-asawa na kayo, sapagkat ang pagiging babaero niya ay mananatili sa kanyang katangian nang mahabang panahon, maliban na lang kung bigla siyang mauuntog at magbago na malabong namang mangyari.


MGA DAPAT GAWIN

  1. Samantala, ayon sa iyong mga datos, hindi ka dapat magtiis at magpakamartir dahil hindi na uso ang mga martir at bayani ngayon sa larangan ng pag-ibig. Dagdag pa rito, hindi mo ba naiisip, na ang pagtitiis mo ngayon ay magbubunga ng mas mabibigat pang pagtitiis sa darating na mga panahon?

  2. Kaya ang dapat mong gawin ngayon ay putulin na ang pakikipagrelasyon sa boyfriend mong may iba pang girlfriend upang tuluyan nang matuldukan ang iyong mga problema at pasakit sa buhay. Sa ganyang paraan, ‘pag tinuldukan na ang kasalukuyang relasyon, makakalaya ka na sa isang pagkakamaling minsang naganap sa iyong buhay pag-ibig.

  3. Tunay ngang masarap umibig at magmahal, ngunit minsan, mayroong mga taong hindi mo dapat mahalin at sila ang mga taong hindi kayang magmahal nang tapat sa isang tao. Kaya habang may panahon pa, walang ibang solusyon sa kasalukuyan mong problema, Mary Rose, kundi ang makipag-break ka na sa playboy mong boyfriend, upang pagkatapos sa ikalawang pakikipagnobyo (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus, habambuhay ka nang liligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page