Pagiging mahiyain, dapat labanan ng dalagang taong dos para magka-dyowa
- BULGAR
- Nov 26, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| November 26, 2021
Dear Maestro,
Ako ay Taong Dos (2) dahil ang birthday ko ay April 2, 1999 at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Naisipan kong sumulat sa inyo upang malaman kung kailan ako magkaka-boyfriend at kung sino at ano’ng mga zodiac sign ang unang magiging boyfriend ko. Gayundin, nalalaman ba sa pamamagitan ng aking mga numero kung kailan at sino ang mapapangasawa ko?
Umaasa,
Issay ng Santa Elena, Hagonoy, Bulacan
Dear Issay,
Weak number kasi ang numerong dos (2), kaya naman ikaw ay nagtataglay din ng weak personality. Dahil sa pagiging weak number at personality, natatagalan ang pagdating ng mangingibig at masayang karanasang dulot ng pakikipagrelasyon sa opposite sex.
Ang ibig sabihin din kasi ng weak number at personality ay medyo mabait na mahiyain, takot umibig at palaging nag-aalinlangang magmahal.
Kailangang magapi mo ang pagiging mahiyain at pagiging takot sa lipunan sa pamamagitan ng pagsusuot ng mapalad mong kulay.
Ayon sa zodiac sign mong Aries, pula ang isa sa pinakamapalad mong kulay na dapat isuot upang makasungkit at makaakit ka ng lalaking magiging karelasyon mo. Ang kulay na pula ay okey na isuot at gamitin sa mga petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, higit lalo sa mga araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.
Habang, ayon sa birth date mong 2 at destiny number na 7 (7 ang destiny number mo, dahil 4+2+1999=2005/ 20+05=25/ 2+5=7), bukod sa pula, maaari ka ring gumamit ng berde, higit lalo sa mga petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 8, 17 at 26, lalo na kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Lunes, Linggo at Sabado.
Upang lumakas ang karisma ng iyong personalidad at makahigop ng lalaking karapat-dapat sa iyo, makipagkaibigan ka sa mga taong may birth date na 9, 18, 27, 1, 10, 19, 28, 8, 17 at 26, higit lalo kung sila ay isinilang sa mga zodiac sign na Sagittarius, Leo at kapwa mo Aries.
Habang, ayon sa iyong Love Calendar, ang lalaking magiging boyfriend at tuluyang mapapangasawa mo ay nakatakdang dumating sa taong 2023 hanggang 2024, sa edad mong 24 pataas, hatid ng lalaking isinilang sa buwan ng Nobyembre o Disyembre.




Comments