top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pagiging CPA, nakatakda sa dalagang may birthday na Oct. 15

  • BULGAR
  • Jan 11, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | Enero 9, 2023



Dear Maestro,


Nahinto ako sa pag-aaral at engineering ang kurso ko noon, pero nahirapan ako kaya huminto ako. Pero nagpadala na ng pera ang tatay ko na nasa abroad at sinabi niyang ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa kolehiyo.


Ang problema, undecided ako sa kurso na bagay sa akin dahil kapag nag-enroll ulit ako sa college, balak kong magpalit ng kurso. Sa ngayon, dalawang kurso ang pinagpipilian ko, ang education o accountancy, dahil ito ang tinapos na kurso ng mama ko, pero hindi siya nakapasa sa board exam at hindi na siya kumuha ulit dahil nag-asawa na siya at nanganak. Gayundin, naging busy siya sa aming pamilya kaya hindi niya na naituloy ang kanyang career.


Sa nabanggit kong mga kurso, saan ako tiyak na uunlad? October 15, 2003 ang birthday ko.


Umaasa,

Lorraine ng Naga City

Dear Lorraine,

Ayon sa birth date mong 15 o 6 (1+5=6), sa destiny number na 3 (10+15+2003=2028/ 20+28=48/ 4+8=12/ 1+2=3) at zodiac sign na Libra, ikaw ay nagtataglay ng planetang Venus at Jupiter.

Ibig sabihin, kung medyo chubby at maganda ka, walang pagsalang na si Venus ang nanahan at gumagabay sa iyong planeta, kaya kahit ano ang gawin mo sa iyong career, basta palagi kang magpaganda, ‘ika nga ay lovely at colorful sa buhay, siguradong sa career at lahat ng aspeto ng iyong buhay, ikaw ay magtatagumpay at magiging maligaya.

Gayunman, ayon sa pang-istatistikang pagtaya, silang mga isinilang sa eksaktong petsa na October 15 ay palaging umuunlad at nagtatagumpay sa kursong may kaugnayan sa medicine o accountancy. Sila ay nagiging dakila at mahusay na doktor o accountant.

Kaya hindi ka na dapat pang mag-alala o mabahala sa kukunin mong kurso dahil tunay ngang sa kursong accountancy ay magtatagumpay at magiging maligaya ka, higit lalo kapag ikaw ay naging Certified Public Accountant, na nakatakdang mangyari sa taong 2030 at sa edad mong 27 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page