ni Ambet Nabus @Let's See | September 10, 2024
Mukhang nag-e-enjoy talaga itong si Carlos Yulo sa nagiging sagutan nila ng kanyang pamilya kasama ang girlfriend niyang obvious namang gusto ng limelight at social media fame.
Last Sunday sa ASAP (uy, bakit nga raw hindi na binabanggit ang "Natin Ito" sa title?) ay binigyan nga siya ng tribute ng show.
In high heavens ang Olympian dahil puro sikat na mga personalidad nga naman ang nagpa-picture sa kanya at nakipag-usap. Kilig na kilig pa nga ito nu’ng binigyan siya ng mensahe ni Andrea Brillantes na inamin niyang kanyang big showbiz crush.
At dahil hindi nga niya binanggit ang sinuman sa pamilya niya para pasalamatan, natural na binabato siya pati ang jowa niya ng mga salitang nakaugat sa pagiging ‘walang utang na loob’ at iba pa.
Nagtataka lang talaga kami dahil mukhang edukado naman at dapat maging civil ang mga taong humahawak ng “sports career” ni Caloy, pero tila hindi nila magawan ng paraan, kundi man ng solusyon, ang ngayo’y nagiging national issue nang away-pamilya ng Olympics medalist.
Sa dami ng sumasakay sa isyu, tila naggagamitan na nga ang lahat para sa balita, sensationalism, commercialism, atbp..
Obvious na usaping pera at disgusto sa love life ni Caloy ang sentro ng bangayan ng mga Yulo with Chloe San Jose behind kasama na ang respeto at paggalang sa kanilang mga choices.
Nagmumukha tuloy na walang saysay at napunta sa mga usaping “cheap, bastos, at walang edukasyon” ang mga gintong naiuwi ng isang Carlos Yulo.
Money talks indeed!
SANAY na kami sa klase ng humor ni Luis Manzano. Sa pagpatol niya sa isang commenter sa kanyang socmed (social media) account matapos niyang maging guest at mainterbyu si Carlos Yulo, puwedeng isipin ng iba na “bastos” ang actor-host.
May nag-comment kasi na parang kinukuwestiyon si Luis kung bakit pinatulan ng kanyang YouTube (YT) channel na i-guest ang Olympics medalist.
Sinagot ito ni Luis kung available ba ang commenter para sabihing siya na lang kaya ang maging guest.
Well, gets namin ang humor ni Luis dahil kilala namin ito na kahit sa family niya ay kaya niya ang mga “paandar”.
Si Luis talaga 'yung tipo ng influencer na either mahal mong okrayin or dedmahin na lang kung pikon ka.
Kaya sa umasang kahit paano ay maririnig ang paliwanag ni Caloy sa mga isyu niya sa kanyang pamilya at jowa, as per Luis questioning, sorry na na-disappoint sila dahil hindi nga ‘yun ang pinagtuunan ng pansin ng show ni Luis.
Kaya may dagdag-komento ang mga naniniwalang “walang utang na loob” si Caloy sa show ni Luis at kay Luis mismo.
Sabi ng mga ito, “Nasaan ang tapang at talino n’ya? Ang hilig-hilig n’yang gawing humorous at funny ang laman ng show n’ya, pero ‘forda’ engagement at hits din pala siya, dahil duwag naman siyang tanungin ang mga ganu’ng pinag-uusapan?”
MARAMING mga SB19 fans ang nagre-react every time na naikukumpara ito sa BINI. May mga sobra kung maka-react dahil sinasabi nilang mas naunang sumikat here and abroad ang SB19, nakapagtala ng bonggang records-concerts at may mga individual members ang grupo na kering mag-solo.
Pati ang tapatang Jollibee at McDonald's ay ginawang labanan, though maraming nagkokomento na hindi dapat ikine-claim ng BINI na sumikat ang fast food chain nang dahil sa endorsement nila.
Ayaw talaga nilang ikumpara man lang ang BINI sa SB19 dahil kahit sabihin pa raw na ang girl group ang nagsisilbing female counterpart ng SB19, marami pa raw itong kailangang patunayan at kaining bigas para maabot man lang ang nagawa na ng SB19.
Nakakaloka, pero wala naman talagang dapat na kompetisyon maliban na lang sa mga endorsements nila na may product, company, at services/brands lock-out.
Basta kami, ATIN supporter at keri ring BLOOM. Hahahaha!
Comments