Paggamit ng rapid test kit, dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa
- BULGAR

- Aug 3, 2020
- 2 min read
ni Thea Janica Teh | August 3, 2020

Ayon sa grupo ng health professionals, isa sa dahilan ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ang paggamit ng rapid antibody test dahil ito ay 50% accurate lamang.
Sabi ni Dr. Antonio Dans, spokesperson ng Healthcare Professions Alliance Against COVID-19, ang paggamit umano ng rapid test kits ng local government at offices ang isa sa mga requirement bago bumalik sa trabaho ang mga worker. At ang pagbabalik ng mga trabahador sa opisina ang naging sanhi ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
"Biro niyo, may ubo't sipon at lagnat, tapos gagawan niyo ng antibody test, kalahati nun ay negative e di pauuwiin, papayagang magtrabaho, e di manghahawa. Tingin ng marami sa amin, kaya lumala ng ganito ay dahil sa antibody test na 'yan," dagdag ni Dr. Dans.
Nagbigay naman ng babala ang US Centers for Disease Control and Prevention tungkol sa limitasyon ng paggamit ng antibody test kits. Nagsabi na ein ang ilang local doctors association na hindi nito nire-recommend ang paggamit ng rapid test kits para sa screening ng COVID-19 sa mga empleyadong magbabalik-opisina.
Dagdag pa ni Dr. Dans, magiging useless ang pagbabalik sa MECQ ng Metro Manila at ilan pang kalapit na lalawigan kung hindi makikipag-usap ang pamahalaan sa mga frontliner tungkol sa maling responde sa pandemic.
Maaari umanong gamitin ng pamahalaan ang 2 week-lockdown para maiayos ang 7 problema:
-Shortage of health professionals;
- Failure in finding coronavirus carries due to inaccurate rapid antibody tests;
- Errors in quarantine protocols;
- Insufficient modes of public transport;
- Public disobedience of health guidelines;
- Breach of quarantine rules in workplaces; and
- Delays in the distribution of cash aid for displaced workers and the poorest families.
Sa ngayon ay umabot na sa 100,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.




Comments